P6.5M puslit na yosi nasamsam ng BOC sa Malabon warehouse

P6.5M puslit na yosi nasamsam ng BOC sa Malabon warehouse

September 27, 2020 @ 3:01 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may P6.5 milyon halaga ng mga “smuggled” na sigarilyo sa isinagawa nilang pagsalakay sa isang warehouse sa Barangay Tugatog sa Malabon City kamakailan.

Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Commissioner Rey Leonardo B Guerrero, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng BOC Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at mga opisyal ng Barangay ay sinalakay nila ang nasabing bodega dahil sa hinala na ang pasilidad ay naglalaman ng mga ipinagbabawal na sigarilyo.

Sa isinagawa nilang inspeksyon ay nadiskubre nila ang may 196 master cases ng mga itinuturing na “illicit cigarettes” na may iba’t ibang tatak na nagkakahalaga ng P6.5 milyon. Isinasagawa ang karagdagang pagsisiyasat upang makilala ang may-ari ng mga produkto pati na rin ang may-ari ng warehouse gayundin ang pagsasagawa ng imbentaryo upang alamin ang dami at halaga ng mga nasamsam na produkto.

Ipinaliwanag ng ESS na ang mga tao sa likod ng sinalakay na bodega at mga ipinagbabawal na produkto ay mananagot dahil sa paglabag nila sa Section 1400 ng R.A. 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act gayundin sa mga probisyon ng R.A. 8424 o ang National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa kawalan at pamemeke ng tax stamp.

“As the Bureau of Customs continues to enhance efforts to strengthen border security the ESS remains committed in ensuring that illicit goods are apprehended to prevent the proliferation of illegal and fake goods in the market. The ESS also assures that those who are responsible shall be made to face the full force of the law,” saad ng BOC.   JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...