P6.62M yosi nasabat sa Sulu

P6.62M yosi nasabat sa Sulu

August 3, 2022 @ 11:52 AM 1 week ago


ZAMBOANGA CITY, Zamboanga del Sur, Philippines — Mahigit P6 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat ng naval troops sa dagat dalawang nautical miles mula sa Balod Island aa bayan ng Banguingui sa Sulu nitong Linggo.

Sinabi ni Rear Admiral Toribio Adaci Jr., commander ng Naval Forces Western Mindanao, na ang mga kontrabando ay karga ng jungkong, isang bangkang kahoy.

Naglalaman ang kargo ng 182 master cases ng imported na sigarilyo na may brand gaya ng Astro at Fort, na tinatayang aabot ng P6.62 milyon ang halaga.

Sinabi ni Adaci na nasamsam din ng mga awtoridad ang bangka na ginamit sa smuggling.

“There was a chase when the boat crew sensed the presence of the operating units. They attempted to flee under the cover of darkness,” pahayag ni Adaci.

Subalit naabutan ng mga awtoridad ang bangka.

Kinilala ni Adaci ang crew na sina Monal Sappari Haili, Asmad Ismael Tingkahan, Latas TIngkahan Ismael, Bardi Ukkang, at Alsi Tingkahan.

Dinala na ang bangka sa Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboanga City, habang ang limang boat crew at ang mga nasabat na sigarilyo ay hawak na ng Bureau of Customs. RNT/SA