P6.6M utang ng separated employees bigong makolekta ng GSIS – COA

P6.6M utang ng separated employees bigong makolekta ng GSIS – COA

December 6, 2021 @ 10:11 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Bigong makakolekta ng nasa P6.622 milyong receivables o utang mula sa mga separated employees ang Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ay ayon sa Commission on Audit (COA) sa ilalim ng kanilang 2020 audit report na inilabas nitong Biyernes, Disyembre 3.

Sa naturang audit report, sinabi ng COA na nasa P6.622 milyon pa ang hindi nakokolekta ng GSIS ng mahigit isa hanggang 16 na taon dahil sa kanilang mga nag-retire o nagresign na mga empleyado.

Ilan sa mga receivables o utang na ito ay ang mga hindi pa nababayarang car loan, insurance, personal calls, property at asset accountabilities at overpayment sa payroll.

Ayon pa sa COA, ang hindi pagkakakolekta ng GSIS sa mga ito ay maaaring makaapekto sa dagdag na pondo para sa ahensya na gagamitin sana sa kanilang operasyon at sinabi pa na: “it might eventually result in the loss or wastage of government resources.”

Sinabi pa na P3.414 milyon o 51.53% ng P6.622 milyon na receivables ang walang sapat na supporting documents.

“The collection of said receivables could have been charged against GSIS’ monetary liability to the employees such as their respective last salary upon separation considering that it is one of the conditions in releasing their clearances for accountabilities,” anang COA.

“This also deprives the GSIS of additional funds for its operations as the collectability of the account decreases over time due to the loss of supporting documents and the fact that the whereabouts of some concerned separated employees can no longer be determined,” dagdag pa nito.

Pinayuhan naman ng COA ang naturang ahensya na magpadala ng collection letter o notice sa mga concerned separated employees at iprayoridad ang mayroong mga kumpletong supporting documents. RNT