P6.7M ecstasy nasabat sa Cebu City

P6.7M ecstasy nasabat sa Cebu City

July 18, 2022 @ 6:30 PM 3 weeks ago


CEBU CITY- Nasamsam ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) agents sa Central Visayas nitong Lunes ang hindi bababa sa P6.7 milyong halaga ng ecstasy sa Barangay Pasil, Cebu City.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Lunel Paden ng Barangay Suba. Natanggap niya ang parcels na naglalaman ng 2,900 piraso ng ecstasy.

Sinabi ni PDEA-7 Director Levi Ortiz na unang nasabat ang ipinagbabawal na droga ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport noong Hulyo 10.

Aniya, nagmula ang mga ito sa Netherlands at dadalhin sa Cebu.

“The suspect has long wanted to get ecstasy. Now, he finally answered our text message, so we decided to conduct the operation,” ani Ortiz. RNT/SA