P6.7M puslit na yosi nasabat ng PNP

P6.7M puslit na yosi nasabat ng PNP

July 7, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad ang halos P6.37 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa operasyon sa Zamboanga City nitong Miyerkules, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Inihayag ng PNP na naharang ng mga operatiba ang isang puting Isuzu Elf na nagkakarga ng 182 kaha ng New Orleans.

Naaresto ng mga awtoridad ang drayber ng truck, subalit nakatakas ang dalawa niyang mga kasama. Sugatan ang drayber matapos tumalon mula sa truck sa pagtatangkang tumakas, batay sa PNP.

“The seized products are now under the custody of the Bureau of Customs while the arrested suspect underwent booking procedure for subsequent filing of charges,” ani PNP officer-in-charge Police Lieutenant Vicente Danao Jr.

“Follow-up operation is also being conducted to account for the other suspects,” dagdag niya.

Base sa PNP, pinaiigting na ng police organization ang laban nito kontra smuggling, lalo na sa timog na bahagi ng Pilipinas, sa pakikipagtungan sa iba pang law enforcement agencies. RNT/SA