P6.8B calamity fund handa na – DBM

P6.8B calamity fund handa na – DBM

November 3, 2022 @ 7:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakahanda na at pwedeng gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan para sa response at relief efforts sa pananalasa ng bagyong Paeng ang natitirang P6.8 bilyon pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) sa taong 2022.

Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management nitong Huwebes, Nobyembre 3 kung saan maaaring gamitin ng iba’t ibang ahensya ang P6,863,219,462 sa NDRRMF.

“Please note that under the 2022 GAA, P19 billion was allocated for programmed appropriations in the NDRRMF, while P1 billion has been set aside for the Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program (MRRP),” ayon sa DBM.

Upang mas mapabuti pa ang pagtugon ng pamahalaan sa kalamidad, sinabi rin ng ahensya na tinaasan ang NDRRMF mula P20 bilyon sa P30 bilyon “plus a P1-billion budgetary allocation for the Marawi Siege Victims Compensation Fund under the 2023 National Expenditure Program (NEP).”

Ito ay sa ilalim din ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na baguhin ang ekonomiya sa pagiging proactive sa halip na reactive pagdating sa disaster response. RNT/JGC