P6.8M learning modules nasira sa baha sa Marikina

P6.8M learning modules nasira sa baha sa Marikina

November 27, 2020 @ 7:40 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Tinatayang napinsala ang nasa P6.8 milyong halaga ng learning modules sa Marikina City makaraan ang pananalasa ng bagyong Ulysses, batay sa Department of Education (DepEd).

 “Ayon po sa huling tala namin, hindi po ‘yung bilang kundi ‘yung amount na naimbentaryo ng ating Division of Marikina City ay umaabot po sa mahigit kumulang P6.8 million po ang halaga ng mga modules na nalubog o nasira dahil po sa pagbaha,” ayon kay DepEd National Capital Region Director Malcolm Garma.

“At kahapon lamang po, lumabas na ‘yung amount na idodownload po natin sa lungsod ng Marikina at saktong sakto naman po dahil more or less P7 million po ‘yung nakalaan para sa replacement ng mga module para po sa lungsod ng Marikina,” paliwanag pa nito.

Maaalalang sinuspende ang klase sa Marikina City sa loob ng isang buwan na maaari namang mapalawig kung kakailanganin. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...