P6.8M shabu, nakumpiska

P6.8M shabu, nakumpiska

July 8, 2022 @ 9:15 AM 1 month ago


LAPU-LAPU CITY – Naaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhanan ng P6.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Leonardo Sumalinog Mansueto, residente ng Barangay Ermita, lungsod ng Cebu.

Ayon kay Police Lt. Colonel Jul Mohammad Jamiri, hepe ng City Intelligence Lapu-Lapu City Police Office, nadakip ang suspek sa Purok Five Star, Barangay Babag, ng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang isang kilo ng shabu na ibinabagsak ng suspek sa naturang lungsod.

Sinabi ni Jamiri na isang High Value Individual si Mansueto.

Nakakulong na ngayon sa lock up cell ng Lapu-Lapu City Police Office ang suspek at nahaharap sa kasong Illegal possession and selling of illegal drugs. Mary Anne Sapico