P6.8M shabu nakumpiska sa Compostela

P6.8M shabu nakumpiska sa Compostela

September 7, 2022 @ 9:06 AM 3 weeks ago


COMPOSTELA, Cebu- Mahigit P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang high value target suspect sa isinagawang buy-bust operation Martes sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Erick Cabije Cabalda, 27-anyos at residente sa Concepcion Riverside, Brgy. Pasil Cebu City.

Sa pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU-7), Naval Forces Central, at Compostela Municipal Police Station, dakong alas-4:15 ng hapon nadakip ang suspek sa Purok Talisay, Brgy. Estaca Compostela Cebu.

Ayon kay Police Major Joey Bicoy, chief Cebu Police Provincial Office Intelligence and Drug Enforcement Units, isinailalim nila sa monitoring ang suspek matapos makatanggap hinggil sa talamak na pagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha sa suspek ang 1 kilo na shabu na aabot sa halagang P6.8 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico