P6.8M shabu nakumpiska sa delivery rider

P6.8M shabu nakumpiska sa delivery rider

January 22, 2023 @ 12:07 PM 1 week ago


CAMARINES SUR- Arestado ang isang delivery rider matapos makuhanan ng P6.8 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kahapon, Enero 21 sa bayan ng Pili.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ryan Magdalita, 35-anyos, residente ng No.1830 Algeciras St., Sampaloc, Metro Manila.

Sa pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (ODRDO-RPDEU5), PDEG SOU5, MPDEU Pili MPS, PIU-Cam Sur PPO, RID5-RSOU ,501st RMFB5 at PDEA ROV, dakong 7:20 AM ng madakip ang suspek sa Zone 1, San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Narekober sa suspek ang higit sa 1 kilo ng pinaniniwalaan shabu at aabot sa halagang P6.8 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico