Dela Rosa handa sa ICC drug war probe

January 27, 2023 @6:51 PM
Views: 1
MANILA, Philippines – “I am ready.”
Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes, Enero 27 makaraang ianunsyo ng International Criminal Court na magpapatuloy na ang imbestigasyon sa brutal na drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan namuno ito sa Pambansang Pulisya nang panahong iyon.
“I have no more fears. You can go ahead whatever you want. I am ready. Whatever happens, my life, my future is dependent to the decision of this government,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng ANC.
Anang Senador, inasahan niya na na magpapatuloy ang imbestigasyon para rito.
“If the Philippine government would cooperate, then I am a part of the Philippine government, so I will cooperate,” sinabi pa ng Senador.
Kung ipatatawag siya ng ICC pre-trial chamber o kaya naman ay magbibigay ng warrant of arrest, sinabi ni Dela Rosa na tatanggapin niya ito.
“Kung magkakaroon ako ng warrant, sabihin ng Philippine government, ‘Okay, i-surrender natin si Bato dun sa International Criminal Court. Ipakulong natin ito sa The Hague.’ Anong magagawa ko? That’s the government’s decision,” aniya.
“Kahit na magtatago ka, if you are wanted by the Philippine government, there’s no way you can hide. Kilalang-kilala ako kaya hindi ako puwede makapagtago,” dagdag niya. RNT/JGC
TRAIN Law idineklarang constitutional ng SC

January 27, 2023 @6:38 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court na legal at naaayon sa konstitusyon ang Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).
Sa desisyon ng SC en banc, ibinasura ang mga petisyon ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Laban Konsyumer, Inc.
Una nang iginiit ng mga petitioner na labag sa batas ang TRAIN Law dahil bukod sa naisabatas ito kahit kulang sa quorum ang House of Representatives, maituturing din na prohibited regressive taxes ang probisyon na nagpapataw ng excise taxes sa diesel, coal, liquefied petroleum gas, at kerosene.
Ipinunto rin ng petitioners na ang excise taxes ay hindi pabor sa mahihirap at nilalabag ang right to due process at equal protection of laws ng mamamayan.
Gayunman, sinabi ng korte na nabigo ang mga petitioner na patunayan na ang probisyon sa TRAIN Law ay “anti-poor” at maituturing na haka-haka lamang.
Lumabas din sa official Journal ng House of Representatives na may quorum nang ipasa ang TRAIN Law.
Labing-tatlong mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon, isa ang tumutol habang isa ang hindi nakibahagi. Teresa Tavares
2 pugot na ulo lumutang sa Manila Harbor Complex

January 27, 2023 @6:25 PM
Views: 13
MANILA, Philippines – Natagpuan habang palutang-lutang sa Manila Bay sakop ng Manila Harbor Complex ang dalawang ulo at kaliwa’t kanang paa nitong Biyernes ng umaga, Enero 27.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-9 ng umaga nang madiskubre ang palutang-lutang na kulay puting sako sa nasabing baybayin.
Hinihinala ng pulisya na itinapon sa ibang lugar ang mga biktima at napadpad lamang sa Manila Bay.
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay nito upang malaman ang totoong nangyari sa mga biktima.
Pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue habang patuloy na inaalam kung nasaan ang iba pang parte ng katawan ng dalawang biktima na wala pang pagkakakilanlan dahil nasa state of decomposition na nang sila ay matagpuan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
7 Chinese crew nailigtas sa Samar

January 27, 2023 @6:12 PM
Views: 11
MANILA, Philippines – Ipinadala ng Philippine Coast Guard ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang iligtas ang pitong Chinese crew sakay ng isang fishing vessel sa baybaying sakop ng Suluan Island, Guiuan, Eastern Samar, ngayong Byernes, Enero 27.
Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ulat kaugnay sa Chinese fishing vessel na FV KAI DA 899 na nasiraan.
Agad namang sinaklolohan ng PCG ang dayuhang barko, at ipinadala ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang magsagawa ng search and rescue operation.
Matapos matiyak na ligtas ang mga crew at matiyak na lahat ay nasa maayos na kondisyon ay saka hinatak ang FV KAI DA 899 payungong Tacloban Port. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Paghikayat sa mamumuhunan kailangan sa increased economic activities – PBBM

January 27, 2023 @5:59 PM
Views: 13