P6.8M tobats, nasabat sa parking lot ng mall sa Cavite; 2 dinakma

P6.8M tobats, nasabat sa parking lot ng mall sa Cavite; 2 dinakma

July 30, 2020 @ 12:58 PM 5 days ago

Share

Manila, Philippines – Nasa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa dalawang sinasabing drug pusher sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Omair Dibaratum y Salem, 25, may-asawa ng Baranay Salinas 1, Bacoor City at Joshua Sarmiento, binata ng Barangay Datu Ismael, Dasmariñas City.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A, dakong alas-2:45 kahapon nang isinagawa ang buy-bust operation sa pagtutulungan ng PDEA Regional Special Enforcement Team IVA, PDEA NCR, PDEA Cavite Provincial Office at Dasmariñas City Police Station, sa parking lot ng isang kilalang mall sa Brgy. Burol 1, Congressional Road Dasmariñas City.

Nabilhan umano ng droga ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkaaaresto.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tinatayang 100 gramo ng shabu na may street value na P6,800,000 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng mga suspek. Margie Bautista

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...