P6.9M tobats nasabat sa 2 bigtime target

P6.9M tobats nasabat sa 2 bigtime target

August 5, 2022 @ 5:16 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki na sangkot sa iligal na droga na itinuturing high value individuals (HVI) matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District sa Caloocan City.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Jeoffrey Cardinez, alyas “Jeff”, 44, residente ng General Tirona St., Brgy. 144 Bagong Barrio at John Michael Raco alyas “JM”, 21 ng General Tirona St., Brgy. 144 Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PSSG Al Ryan Mangat, dakong alas-12:50 ng madaling araw ng masagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU-NPD sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin sa Langit Road kanto ng Crusher St., Brgy. 176 ng lungsod laban sa mga suspek.

Sa ulat ng pulisya, matapos madakip ang mga suspek ay narekober sa mga ito ang 11 pirasong knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang na nasa 1,025 grams at tinatayang nasa P6,970,000.00 ang standard drug price, isang genuine P1,000 pesos at 35 pirasong P1,000 pesos boodle money, Yamaha Mio 125 motorcycle na may plakang 9045 HX at Samsung keypad phone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II of R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002. R.A Marquez