P6.9M tobats nasabat sa tulak

P6.9M tobats nasabat sa tulak

June 6, 2022 @ 5:56 PM 3 weeks ago


BACOLOD CITY – Laglag sa mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng shabu matapos sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Napoleon Begasa III, 30, at residente sa Barangay Estefania, Bacolod City.

Batay sa report Bacolod City Police Station 3, dakong 7:15 PM nadakip ang suspek sa Purok Kawayanan, Barangay Banago, ng naturang lungsod.

Sa pinagsamang pwersa ng BCPO at Bacolod City Drug Enforcement Unit, nakuha sa suspek ang 16 na malalaking pakete at 5 pang plastic ice wrapper na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa 1.01 kilo ang bigat na aabot sa halagang P6,868,000 at P1,200.

Nabatid, na ang kontrabando ni Begasa ay galing sa San Carlos City, Negros Occidental.

Taon 2018, nakapagtala rin ang PDEA sa Negros Occidental ng pinaka-malaking nakumpiskang shabu na umabot sa halagang P72-milyon sa San Carlos City./Mary Anne Sapico