P600K tsongki nasabat sa 2 tulak sa Makati

P600K tsongki nasabat sa 2 tulak sa Makati

September 28, 2022 @ 10:27 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang di-umano’y tulak ng marijuana sa ikinasang joint drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Makati City Police Station (CPS) Drug Enforcement Unit (DEU) at ng Station Intelligence Section (SIS) nitong Setyembre 26.

Sa ulat na isinumite ng Makati CPS na natanggap ni Southern Police District (SPD) P/Col. Kirby John Brion Kraft ay kinalala ang dalawang arestadong suspects na sina Edseleto Montilla y Rein a.k.a. Bentot, 24, at Ralph Banaag y Lagda a.k.a. Beb, 23.

Base sa imbestigasyon ng Makati CPS, naisagawa pinagsanib na pwersa ng SDEU at ng SIS ang buy-bust operation dakong alas 3:40 ng hapon sa Water Lily St. Brgy. Rizal, Makati City.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspexcts ang apat na bloke ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa transparent plastic cling na tumitimbang ng mahigit-kumulang 5 kilo, ₱1,000 buy-bust money, ₱31,000.00 boodle money, J&T express plastic bag at kulay kayumanggi na Anello bag.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng dalawang suspects na kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng Makati CPS.

“The unyielding efforts of our personnel is clearly portrayed through their successful anti-illegal drug operations.” Ani Kraft. James I. Catapusan