P60B import duties tax nakolekta ng BOC

P60B import duties tax nakolekta ng BOC

April 19, 2022 @ 9:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Higit P60 bilyong import duties at iba pang buwis ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) na itinakda sa mga produktong petrolyo sa unang quarter pa lamang ng taon 2022.

Ayon sa BOC, ang kabuuang koleksyon na P60.15 bilyon ay katumbas sa minarkahan nilang 4.724 bilyong litro ng petrolyo. Ang kabuuang markang gasolina, diesel, at kerosene mula Setyembre 2019 hanggang Marso 2022 ay 39.316 bilyong litro na katumbas ng P374.13 bilyon sa mga tungkulin at buwis.

“Diesel comprises 60.51% of the total volume marked, followed by Gasoline with 38.97% and Kerosene with 0.52% of marked volume. As to location, 73.66% of the marking was in Luzon, 20.9% in Mindanao, and 5.44% in the Visayas,” saad ng BOC.

Nakapagtala ang Bureau ng 28 mga kumpanya ng langis na ngayon ay nagmamarka mula noong unang aktwal na pagmamarka noong Setyembre 2019.

Alinsunod din sa Programa, nasamsam ng BOC at ng BIR ang kabuuang 93,043.80 litro ng diesel, 18,839.00 litro ng kerosene, at nasamsam ang dalawang (2) unit ng mga tank truck na may dalang walang markang gasolina na may tinatayang halaga na ₱13,357,405.29. Ang mga tangke ng 12 retail station at 2 pribadong kumpanya kung saan natagpuan ng BOC ang mga “unmarked fuel” ay tinatakan din at inirerekomenda para sa pagsasampa ng mga kasong kriminal.

Ang Fuel Marking Program ay naglalayon na mapataas ang mga kita habang pinipigilan ang pagpupuslit ng gasolina at pagpapatag ng larangan sa mga industriya ng langis sa bansa.

“The Bureau of Customs will continuously implement its mandate to mark petroleum products under the Fuel Marking Program to raise revenues while curbing fuel smuggling and leveling the playing field in the Philippine oil industries,” giit ng BOC. Jay Reyes