P614-M China military aid natanggap na ng Pinas

P614-M China military aid natanggap na ng Pinas

January 24, 2022 @ 9:18 AM 8 months ago


MANILA, Philippines –Β  Nagbigay ang Chinese government ng P1 bilyong halaga ng military assistance sa Pilipinas, kung saan ang first batch ng equipment na nagkakahalaga ng P614 milyon ay inihatid noong nakaraang linggo sa bansa.

Sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ang nasabing equipment, karamihan ay sasakyan, ay pormal na itu-turn over sa susunod na buwan.

“The first batch of the military equipment worth RMB76 million arrived in Manila on January 16, including rescue and relief equipment, which will be formally turned over to the DND (Department of National Defense) and AFP (Armed Forces of the Philippines) in February. The second batch worth RMB54 million will be delivered on a later date,” ani Ambassador Huang Xilian.

Ang donasyon ay bahagi ng 2019 commitment ni Chinese President Xi Jinping na tulungan at suportahan ang gobyerno ng Pilipinas para sa counter-narcotics at counter-terrorism campaign.

Taong 2020, pormal na nangako si Chinese State Councilor at Minister of National Defense Wei Fenghe ng RMB130 million (P1 billion) na halaga ng military donation sa bansa.

“I hope that the donation would play a role in maintaining peace and fighting terrorism campaign as well as providing humanitarian assistance and disaster response mission of typhoon Odette,” ayon kay Huang.

“China will continue to support the Philippines’ disaster relief and recovery efforts and the AFP capability building to the best of its ability,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose