P62B inilaan ng gobyerno pambili ng ‘choppers, offshore vessels

P62B inilaan ng gobyerno pambili ng ‘choppers, offshore vessels

December 8, 2021 @ 8:58 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naglaan ang pamahalaan ng P62 bilyong piso para sa pagbili ng 32 more Polish-made S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters para sa Air Force at anim na offshore patrol vessels (OPVs) para sa Philippine Navy.

“Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units ‘Black Hawk’ helicopters- PHP32 billion and six units of OPV -PHP30 billion,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

At nang tanungin kung saang bansa bibili ng karagdagang helicopters at OPVs, ang sagot ni Lorenzana ay : “OPV with Austal (the Australian defense manufacturer and shipbuilder) and ‘Black Hawk’ from PZL Mielec, Poland.”

Gayunman, nilinaw nito na wala pa namang kontrata na ipinalalabas para sa mga assets na ito at “still under negotiation.”

Nauna nang nakompleto ng Philippine Air Force (PAF) na makabili ng 16 “Black Hawk” helicopters mula Polish company PZL Mielec na nagkakahalaga ng USD241 million (P11.5 billion).

Ang first batch ng anim na “Black Hawk” helicopters ay dineliver noong Nobyembre 2020, sinundan ng second batch na lima noong Hunyo na “formally accepted, turned over, blessed” sa isang simpleng seremonya noong Oktubre 13.

Ang last batch ng limang choppers ay dineliver noong Nobyembre 8 at pormal na tinanggap ng PAF noong Disyembre 3.

Isang unit mula sa inisyal na anim na units na dineliver sa bansa ay bumagsak noong nakaraang Hunyo June 24 habang nagsasagawa ng night-flying exercise.

Ang newly-acquired S-70is ng PAF ay ginamit bilang transportasyon o pagpapadala ng Covid-19 vaccines sa mga remote areas sa buong bansa.

Nauna rito, sinabi ni Lorenzana na ang Austal, mayroong shipyard sa Balamban Cebu, ay nananatiling nasa forefront ng nagpapatuloy na pagbili sa OPVs para sa Navy.

“Ang nasa forefront ng procurement is the Australian (shipbuilder) Austal which is in (Balamban), Cebu. Meron silang branch na gumagawa din ng barko so kung matuloy yun maganda rin yan sa ekonomiya dahil maraming makikinabang na mga Pilipino, it will generate employment,” ayon kay Lorenzana.

Umaasa rin si Lorenzana na lalagda sila ng kontrata bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“I hope we can sign the contract before the end of the President’s tenure. Medyo matagal yung proseso,” ayon sa Kalihim.

Matapos ang OPVs, ang isa pang proyekto para sa PN ay ang pagbili ng dalawang modern corvettes, “smallest surface combatant” na kayang-kaya na mag-engage ng submarines at iba pang vessels. Kris Jose