P630K marijuana nasabat; 4 timbog sa Manila buy-bust

P630K marijuana nasabat; 4 timbog sa Manila buy-bust

March 19, 2022 @ 3:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nasabat ng mga pulis ang P630,000 halaga ng marijuana mula sa apat na indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Port Area sa Manila nitong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryean Espinosa, 18; Robin Diaz, 24; Frances Jude Delmo, 26; at John Ferry Bayrante, 24, lahat ay residente ng Port Area.

Batay sa ulat ni Police Lt. Roberto Medrano Jr. ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), isinagawa ang operasyon bandang alas-7:30 ng gabi sa Blk. 9 Tambakan, Baseco Compound, Brgy. 649 sa Port Area.

Nasamsam naman ng mga pulis mula sa mga suspek ang dried marijuana plants in brick form at nasa plastic sachets na tinatayang may nasa 5,250 gramo na nagkakahalaga ng halos P630,000, ayon sa ulat ng pulis.

Mahaharap ang mag suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA