P63M jackpot sa SuperLotto 6/49, nasolo ng taga-Northern Samar

P63M jackpot sa SuperLotto 6/49, nasolo ng taga-Northern Samar

February 20, 2023 @ 11:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natumbok ng nag-iisang mananaya mula sa Lalawigan ng Nortern Samar ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 sa ginanap na draw kagabi sa Mandaluyong City.

Inihayan ni PCSO Vice Chairman at General Manager, Melquiades “Mel” Robles, na nahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination na 47-46-35-25-14-04 na may premyong P63,152,025.

Samantala, nasa 11 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P50,000 makaraang makakuha ang mga ito ng limang kombinasyon.

Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa Lavezares, Northern, Samar. Binobola naman ang SuperLotto 6/49 tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo.

Paalala ng ahensya, kailangan na makuha ang kanilang premyo sa loob ng isang taon simula nang pagkabola nito. Toto Nabaja