P66.2M cash benefit  para sa  centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget – Tulfo

P66.2M cash benefit  para sa  centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget – Tulfo

September 6, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong  Filipinong centenarians sa ilalim ng  panukalang 2023 national budget.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang  House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023,  hindi pinagbigyan ng  Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang  request  para sa pondo ng  Centenarians Act na magbibigay sana ng  P100,000 cash sa mga  Filipino na nakaabot sa edad na 100 pataas.

Ang iba pang  unfunded items sa ilalim ng  DSWD ay  ang P25 billion budget para sa implementasyon ng P500 social pension hike para sa indigent senior citizens  at maging ang P2.5 billion para sa supplementary feeding program para sa  hot meals ng  1.7 milyong kabataan at gatas naman para sa  157,968 kabataan.

Hinikayat naman ni Albay Representative Edcel Lagman, may-akda ng  Filipino Centenarians law, ang DSWD  na gumawa ng agarang aksyon lalo pa’t ang mga benepisaryo ay nasa “twilight”  o takipsilim na ng kanilang buhay.

“Why are they waitlisted? They should not be waitlisted because by the time the benefits they are looking for are available, they may not be here with us anymore,” ani Lagman.

“You should not wait for the enactment of the 2023 budget in order to fund the required P66.2 million. You should check with a contingent fund,” ayon sa kongresista.

Sa ilalim ng panukalang P5.2 trillion budget for 2023, “the contingent fund is valued at P13 billion.It covers the funding requirements of new or urgent activities or projects of national government agencies, local government units and government owned and controlled corporations that need to be implemented or paid during the year.”

Sinang-ayunan naman ni Tulfo  ang pahayag ni Lagman na “urgent” ang pagpopondo sa Centenarians law, at maging ang itaas ang social pension, umapela naman ito sa Kongreso na maglaan ng pondo para sa mga ito.

“When I came in two months ago, a grandmother aged 103 years old came to my office to get the benefit. Mabuti nga buhay pa si Lola, naibigay namin agad iyong P100,000 at baka hindi na niya mabalikan,”  ayon kay Tulfo.

“We submitted a request to the DBM which they did not grant. They are informed that there are 662 Filipino centenarians waiting. Kaya iyong social pension saka iyong sa centenarians, sana po mapondohan [ninyo] kasi baka hindi na nila abutin. Kaya sana maibigay po natin ito at mapagbigyan ninyo, Madam Chair,” dagdag na pahayag nito.

Maliban sa unfunded programs  para sa mga lolo’t lola at mga kabataan, umapela pa rin si Tulfo sa Kongreso na itaas ang budget ng DSWD para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations na  P19 billion o P20 billion mababa sa naging request ng departamento.

Gayundin, nananawagan si Tulfo ng suporta para sa karagdagang pondo para itaas ang bilang ng mga regular workers  na  pumapalo lamang sa 3,000  mula sa 16,000 staff.

“We are really the first agency to see the picture when the smoke cleared after the pandemic. We really saw how our people have been,”  dagdag na pahayag ni Tulfo. Kris Jose