P67.6M lotto jackpot natumbok ng lone bettor

P67.6M lotto jackpot natumbok ng lone bettor

July 29, 2022 @ 1:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Napagtagumpayan ng isang mananaya ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 makakaraang mahulaan nito ang winning combination sa katatapos na draw kagabi.

Ayon kay General Mel Robles, nabili ang maswerteng  ticket mula sa isang outlet sa Lallo, Cagayan na may kombinasyon na 23-03-02-43-30-07 at premyong P67,672,225.00.

Nasa 29 na indibidwal naman ang nakakuha ng limang kombinasyon na makakapag-uwi ng tig-P50,000.00.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo. Toto Nabaja