P68K shabu nasamsam sa HVT sa region 2

P68K shabu nasamsam sa HVT sa region 2

March 3, 2022 @ 2:00 PM 4 months ago


CAGAYAN VALLEY- Nahuli ang tinaguriang Philippines National Police Regional High Value Target o HVT at PDEA Regional Priority Target list na nasamsaman ng mahigit kumulang sa P68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan kaugnay sa pagpapatupad ng search warrant o paghalughog sa kanyang bahay sa Brgy Progressive, Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ni PMaj. Garry Macadangdang, hepe ng Gonzaga Police Station ang suspek na si Fernando Saliganan y Ancheta alyas Bong na nasa PNP regional High Value Target o HVT  at PDEA Regional Priority target list na nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Purok 7, Brgy Progresive, Gonzaga, Cagayan.

Sa naturang operasyon ng pinagsanib na pinangunahan ni PMaj. Macadangdang ng nasabing himpilan ng pulisya ng Gonzaga, PDEA Batanes Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit/ Provincial Drug Enforcement Unit at Regional Intelligence Division 2 sa maayos na koordinasyon sa PDEA RO2 ang search warrant na inisyu ni Hon. Neljoe A Cortez, Vice Executive Judge, RTC Branch 6, Aparri, Cagayan na may kinalaman sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Sa isinagawang paghalughog ng mga nasabing operatiba ay nakumpiska mula sa kanya ang (9) o siyam na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang “shabu” may tinatayang bigat na mahigit kumulang na 10 gramo at may Standard Drug Price na PHP68,000; mga plastic sachet na naglalaman ng mga latak ng hinihinalang “shabu”; gusot na aluminum foil; isang pirasong orange lighter; at isang pirasong itim na pouch.

Ang suspek at mga nasamsam na ebidensya laban sa kanya ay dinala sa Gonzaga Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ang pagsasampa ng kaukulang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng inquest proceedings. Rey Velasco