P69.6M jackpot sa Grand Lotto mailap pa rin

P69.6M jackpot sa Grand Lotto mailap pa rin

February 26, 2023 @ 12:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi pa rin nasusungkit ang jackpot sa Grand Lotto sa winning combination na 44-32-31-41-29-46.

Sa kabila nito, tatlong mananaya pa rin ang nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 292 manlalaro ang nanalo ng third prize na P1,500.

Ang draw sa Grand Lotto ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa ganap na alas-9 ng gabi.

Samantala, hindi pa rin nasusungkit ang Lotto 6/42 jackpot na P44,794,007.60 sa winning combination na 37-32-28-09-34-19.

Ayon sa PCSO, mayroon namang 46 mananaya ang nanalo ng second prize dito sa P24,000 habang 1,719 ang nanalo ng third prize na nagkakahalaga ng P800.

Ang Lotto 6/42 ay binobola rin tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng gabi. RNT/JGC