P69M ‘shabu’ nasamsam sa checkpoint sa N. Samar

P69M ‘shabu’ nasamsam sa checkpoint sa N. Samar

February 1, 2023 @ 10:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga awtoridad ang halos P69 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa bayan sa Northern Samar.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, nasabat ang droga sa isang checkpoint sa Barangay Jubasan sa bayan ng Allen.

Nakasilid umano ang mga pakete ng shabu sa mga tea bag na sakay ng isang kotse.

Base pa sa ulat, unang sinita ang sasakayan dahil hindi umano nakasuot ng seatbelt ang driver, at nang imbestigahan, inamin umano nito na may shabu sa loob ng sasakayan.

Hinuli naman ang driver na kinilalang si Mangayaw Mitumara. RNT/SA