P6M Chinese med nasabat sa Makati clinic

P6M Chinese med nasabat sa Makati clinic

October 30, 2020 @ 1:02 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang P6 milyong halaga ng Chinese ang nasabat sa loob ng condominium unit na iligal na nag-o-operate ng clinic para sa Chinese nationals kagabi, October 29 batay sa Makati Police.

Sa ulat, karamihan ng pasyente rito ay Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers.

Ayon kay Makati Police Assistant Chief of Police for Operations (ACOPO) Tyrone Valenzona, isinagawa nila ang raid sa tulong ng mga tauhan ng Makati Business Permit and Licensing Office (BPLO).

“There were two big garbage bags containing medical wastes of the clinic. It contained gauze with blood, used syringes, dextrose, and other wastes,” kwento ni  Valenzona.

Kinilala ang caretaker na si He Pian Yun, 58.

 “That doctor is not allowed to practice medicine in the country.”

“He is now the subject of a manhunt operation,” saad pa nito.

Kinumpirma rin ng Makati BPLO na ang naturang clinic ay walang ‘permit to operate’ sa condominium unit habang isinasagawa naman ang appointment sa pamamagitan ng mobile application na “We Chat.”

“Our Chinese assets told us about the illegal operation of this clinic. We conducted surveillance and test buy there.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...