P6M kompensasyon sa Gem-Ver crews na binangga ng barko ng China sa Recto Bank matatanggap na!

P6M kompensasyon sa Gem-Ver crews na binangga ng barko ng China sa Recto Bank matatanggap na!

April 28, 2022 @ 5:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makatatanggap na sa wakas ng kompensasyon ang mga Pilipinong mangingisda na kasama sa barkong sinalpok ng Chinese vessel sa West Philippine Sea noong 2019.

Inanunsyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na makakatangap ng P6 milyon ang may-ari ng GEM-VER fishing vessel at mga mangingisda bilang danyos sa insidente.

Ito aniya ang pinal na napagkasunduan bilang damage claims ng GEM-VER laban sa may-ari ng barko ng Tsina.

Magugunita na June 2019 nang iniulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na lumubog ang isang Philippine fishing boat matapos banggain ng barko ng China sa bahagi ng Recto bank.

Nasa 22 mangingisdang pinoy ang naiwan na palutang-lutang nang ilang oras sa dagat hanggang sa mailigtas ng isang barko ng Vietnam. Teresa Tavares