P6M pekeng sigarilyo, winasak!

P6M pekeng sigarilyo, winasak!

September 16, 2022 @ 7:07 PM 3 weeks ago


SANTIAGO CITY-Halos mahigit Php. 6,000,000.00 ang halaga ng kahon-kahon na pekeng sigarilyo ang narekober ng kapulisan na sinunog sa Integrated Terminal Complex, Fourlanes Malvar, Santiago City.

Sa panayam ng REMATE kay PCol. Reynate Panay, City Director ng Santoago City Police Office o SCPO, ang nasabing kontrabando ay nakumpiska sa isang bahay sa Camella Subd., Phase 1 Barangay Malvar, Santiago City.

Alinsunod sa desisyon ng korte na ibinaba ni Hon. Judge Anastacio D. Anghad ng Branch 36, Santiago City kung saan ay sinaksihan ang pagsunog nna Mr. Chris Vincent Pagurayan, Representative ng Phillip Morris Philippines, Hon. Atty Allysa Sheena P. Tan, City Mayor, Police Major Michael B Ragual, Station Commander ng Police Station 2 at si PCol. Panay.

Kaugnay nito, nagbigay babala si City Mayor Tan sa mga nagbabalak gumawa ng katiwalian sa lungsod na mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng batas kasama ang buong kapulisan ng Santiago City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Panay upang tuluyan silang tugisin at hindi na makapaminsala sa mga mamamayan sa lungsod

Ang nasabing aktibidad ay pumapaloob sa programa ng Chief PNP na MKK=K kung saan tumutugon ito sa pagpapanatili ng “KAAYUSAN” sa lungsod. (Rey Velasco)