P7.1 M shabu nakumpiska sa high value target

P7.1 M shabu nakumpiska sa high value target

January 24, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


CEBU CITY- Shoot sa kulungan ang isang lalaki na tinaguriang nasa Regional High Value Target sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Enero 23 sa Cebu City.

Kinilala ang nadakip na si Vincent Rodriguez alyas “JB”, 21, at nakatira sa Barangay Suba, Cebu City.

Batay sa report ng Sawang Calero Police Station, nahuli ang suspek sa Belgium St., Barangay Pasilng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang 1.5 kilo ng shabu na may street value na P7,174,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, si Rodriguez. Mary Anne Sapico