P7.27B droga, kemikal winasak ng PDEA

P7.27B droga, kemikal winasak ng PDEA

December 20, 2022 @ 2:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes ang iligal na droga at mga kemikal na nagkakahalaga ng ₱7.273 bilyon.

Nasabat ang iligal na droga sa iba’t ibang anti-narcotics operations kabilang ang shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at ketamine na may kabuuang bigat na 1,426.48 kilos, base sa PDEA.

(Mga larawan kuha ni Danny Querubin)

Batay sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, ang shabu ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱7.21 bilyon. Sinundan ito ng marijuana sa halagang ₱38 milyon at ecstacy estimated sa ₱15 milyon.

Winasak ang 15 illegal drugs at related chemicals sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis sa Integrated Waste Management, Inc. sa Cavite.

(Mga larawan kuha ni Danny Querubin)

Ang pagwasak sa iligal na droga ay alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. RNT/SA