P7.4M tobats naharang sa Clark

P7.4M tobats naharang sa Clark

September 17, 2021 @ 7:25 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Umabot sa P7.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Port of Clark sa Pampanga.

Ang nasabing pagkasamsam ng iligal na droga ay kasunog ng isinagawang inspeksyon ng isang kargamento na nanggaling sa Malawi, East Africa.

Sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na ang nasabing kargamento ay idineklarang “flask,” pero nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na may iligal na kargamentong nakapaloob dito.

“The x-ray scanning resulted to images of organic substances and therefore subjected to physical examination which revealed five (5) packs of crystalline substances suspected to be methamphetamine hydrochloride concealed inside two (2) units of electric air pot flask,” ayon sa pahayag ng BOC.

“Samples were taken for the conduct of laboratory analysis which confirmed the same as methamphetamine hydrochloride (Shabu),” dagdag pa ng byuro.

Itinurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency ang nasamsam na hinihinalang droga. RNT

(Image Representation Only)


  •  
  •  
  •