P7.8M halaga ng nakatanim na marijuana binunot sa Cebu

P7.8M halaga ng nakatanim na marijuana binunot sa Cebu

October 16, 2022 @ 1:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binunot ng mga awtoridad ang aabot sa P7.8 milyon halaga ng marijuana na na nakuha sa taniman nito sa Cebu City.

Makalipas bunutin ay sinunog din ito upang madispatsa.

Sa impormasyon ni Lt. Col. Dexter Calacar, hepe ng Cebu City Mobile Force Company, nahanap ang taniman sa Sitio Song-on, Barangay Lusaran matapos makatanggap ng tip patungkol dito.

Wala naman nahuli sa ginawang operasyon dahil walang naabutang tao sa lugar.

Nakakuha ng halos 19,500 stalks ng marijuana sa naturang taniman at kasalukuyan nang pinaghahanap ang mga taong posibleng nasa likod ng marijuana plantation. RNT/JGC