P7-milyong halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust sa QC

P7-milyong halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust sa QC

July 24, 2018 @ 7:42 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Arestado ang isang dealer ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib puwersa ng RDEU NCRPO, SDEU PS 9, QCPD at PDEA QC DO sa Quezon City.

Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-3:30 ng umaga kanina (July24) sa University St., corner ng Commonwealth Ave., Brgy. San Vicente, U.P Diliman, QC.

Naaresto ang isang dealer ng shabu na kinilalang si Bryan Dudley alyas ‘Bayan Taba’ habang nagbebenta ng 500 gramo (1/2 kilo) ng shabu sa undercover agent.

Narekober sa suspek ang 6 na plastic pack na shabu na may timbang na 600 gramo bawat isa na may kabuuang timbang na 1,025 g (1.025 kilos), may street value itong Php 7, 500, 000.00, isang pirasong na kasama ng apat na bundle ng marked money na katumbas ng Php 400,000.00.

Napag-alaman na ang suspek ay kalalaya pa lamang na naaresto noong Abril 8, 2016.

Maaring maharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 habang ang RA 916 ay kasalukuyan nang inihahanda para sa pagpasa sa Korte. (Remate News Team)