P700K damo nasamsam sa 2 turista sa Mt. Province

P700K damo nasamsam sa 2 turista sa Mt. Province

May 3, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MT. PROVINCE- Umabot sa P700,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa dalawang lokal na turista sa isinagawang anti-drugs operation ng otoridad sa Sadanga-Bontoc Sepulchre Street, Poblacion, Bontoc, Mountain Province.

Kinilala dalawang suspek na sina Ramon Matthew Cruz Mangalile, 21-anyos, estudyante at Cherwen Am-Is Tangaro, 26-anyos, isang welder na pawang mga residente ng Poblacion, Baliuag, Bulacan.

Binitbit sa selda ang dalawang suspek ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Bontoc MPS, Sadanga MPS, Mountain Province Police Provincial Office at PDEA-CAR.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na dalawang katao sakay ng bus mula Kalinga patungong Bontoc, Mt. Province ang magbibiyahe ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Positibong nasamsaman ang mga ito ng pitong (7) piraso ng tubular form wrapped in cling-wrap na nakabalot ng masking tape na naglalaman ng dahon ng marijuana at pitong (7) piraso pa ng ziplock bag na naglalaman din ng illegal na droga.

Halos tumitimbang ng 6.095 kilo na nagkakahalaga ng mahigit P700,000 habang ilan naman sa mga personal na gamit ang nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspek.

Napag-alaman, ang dalawa ay bumisita sa Barangay Buscalan, Kalinga bilang local tourist at sa kanilang pagbalik ay nagtangka silang magbiyahe ng illegal na pinatuyong dahon ng marijuana.

Nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek. Rey Velasco