P703M fuel subsidy naipamahagi na sa mga benepisyaryo- LTFRB

P703M fuel subsidy naipamahagi na sa mga benepisyaryo- LTFRB

March 22, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Naipamahagi na ang halos P703 milyong halaga ng fuel subsidy sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes.

Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, saklaw ng fuel subsidy ang kabuuang 108,164 benepisyaryo na nakatanggap ng P6,500 kada unit alinsunod sa Pantawid Pasada Program.

Naglaan naman ang gobyerno ng inisyal na P2.5 bilyon upang makapagbigay ng fuel vouchers para sa 377,000 kwalipikadong public utility vehicle drivers sa buong bansa.

“Pinapa-alalahanan ang mga operators / drivers, na ang halaga na kanilang matatanggap na fuel subsidy sa ilalim ng programang ito ay maaari lamang gamitin para sa pagbili ng kailangan nilang krudo,” ani Cassion.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, binibigyan ang mga drayber ng public utility vehicles (PUVs) ng financial aid upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng rollback ngayong Martes subalit hindi ito sapat upang makabawi sa 11 sunod na linggong pagtaas sa presyo ng langis.

“Patuloy ang LTFRB sa pag-proseso ng fuel subsidy sa iba pang mga benepisyo. Nakikipag-ugnayan ang ahensya sa Land Bank of the Philippines para mapabilis ang implementasyon ng buong programa,” sabi ni Cassion.

Inilahad ng Department of Transportation (DOTr) noong isang linggo na mga drayber ng jeep aang unang benepisyaryo ng programa, subalit kailangan pang maghintay ng mga drayber ng ibang uri ng trasnportasyon para sa kanilang ayuda. RNT/SA