P70M jackpot sa 6/58 draw, P20M sa 6/45 napanalunan na

P70M jackpot sa 6/58 draw, P20M sa 6/45 napanalunan na

January 15, 2022 @ 8:27 AM 7 months ago


Manila, Philippines ā€“ Napanalunan na ng dalawang mananaya ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 at Megalotto 6/45 kagabi, Enero, 14, 2022.

Base sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), napanalunan ang kombinasyong 53-10-19-21-42-47 sa Ultra Lotto 6/58.

Pumalo naman ang premyo nito sa P70,258,716.80.

Wagi naman ang mga numerong 24-31-20-17-13-18 sa Megalotto 6/45 kung saan pumao sa P20,212,102.00 ang napanalunan. RNT/FGDC