P71B tinapyas sa COVID response sa 2023

P71B tinapyas sa COVID response sa 2023

September 13, 2022 @ 8:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang COVID-19 response fund ng Department of Health para sa 2023.

Tinatayang P71 bilyong piso ang tinapyas ng departamento, isa sa maraming pagtapyas na ginawa ng DBM na may kinalaman sa health-related spending para sa susunod na taon.

“For the 2023 budget we have proposed P95 billion for the COVID-19 response and the approved for the NEP 2023 was just P24.4 billion. Looking at how we are having right now going through this declining number of cases, we think that this would be sufficient based on the response that we’re having right now but if we are going to prepare to procure the new generation of vaccines we might be needing additional funds,” ayon kay DOH Officer-In-Charge Undersecretary Rosario Vergeire sa isinagawang budget briefing sa kanyang ahensiya ng House Appropriations Committee.

Sinabi pa ni Vergeire na tinapyasan din ng DBM ang pondo para sa “prevention and control of communicable diseases.”

“If you look at the comparison of the 2022 Budget vis a vis the 29023. Proposed budget there is a reduction of 71.21%. Ang ibig po sabihin nito yung pondo sa communicable diseases kung saan kasama ang COVID, TB, HIV, leptospirosis, monkeypox, Japanese encephalitis at marami pa po iba ay tinapyasan ng 4.17 billion, ” ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin.

“Yes we confirm that. This is because we are not going to procure PPEs and GEnexpert catridges anymore for 2023 because we have enough stocks to last.” tugon naman ni Vergeire.

Kapos din aniya ang pondo para sa COVID-19 benefits ng mga health care workers.

Dapat aniyang alalahanin ng pamahalaan na mayroon pang dapat bayaran na mga benepisyo para sa sa mga health care workers para sa kanilang mga nakalipas na taon na serbisyo.

“For SRA meron po tayong around 492,000 health care workers na nabigyan na po natin nitong allowance SRA fully disbursed from September 2020 to June 2021. Ngayon meron pa ho tayong 56,000 ongoing disbursement for health care workers. From December 2020 to June 30 2021 po ang kailangan. This is ongoing disbursement and 92% na po ang disbursed. Konti na lang po pinupruseso natin,” ang pahayag ni Vergeire.

Binanggit din ni Vergeire na tinapyasan ng DBM ang budget para sa mga DOH hospitals.

“We have proposed po P32.8 billion for our MOOE for our regional hospitals for DOH and there is this separate for the operations of DOH hospitals in Metro Manila where we have proposed additional P10 billion. But we were only approved P13.2 billion for our DOH regional hospitals and we were only approved P4.9 billion for our DOH Metro Manila hospitals,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose