P71M jackpot sa lotto, nasolo!

P71M jackpot sa lotto, nasolo!

May 11, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naiuwi ng solong mananaya ang mahigit P71 milyon jackpot sa Superlotto 6/49 nitong Martes, Mayo 10, 2022.

Base sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nasolo ng swerteng mananaya ang P71,360,581.00 na premyo gamit ang winning combination na 44-05-17-48-13-43

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42. Ang lumabas na mga numero ay 07-13-18-02-28-37, at may jackpot prize na P8,509,629.80.

Wala ring tumama sa isa pang draw na Ultra Lotto 6/58, na umabot naman ang premyo sa P73,122,256.00. Ang winning numbers ay 46-29-10-38-48-56. RNT