P747M droga nasamsam, 892 bigtime tulak arestado sa bungad ng 2023

P747M droga nasamsam, 892 bigtime tulak arestado sa bungad ng 2023

February 21, 2023 @ 7:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakasamsam na ang pulisya ng nasa P747 milyong halaga ng iligal na droga sa unang 45 araw palang ng taon.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na 892 big-time drug pushers at 5,588 street level drug personalities ang naaresto sa parehong panahon. Dagdag pa niya, 176 na drug users din ang sumuko sa mga police unit.

Samantala, sinabi ni Azurin na pinalalakas ng PNP ang kanilang crackdown laban sa online sabong (cockfighting) na nananatiling suspendido alinsunod sa Executive Order (EO) 9 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aniya, sa pamamagitan ng mga hakbangin ng Anti-Cybercrime Group, may kabuuang 236 websites, Facebook pages, chat groups at mga account na nagho-host ng mga aktibidad sa e-sabong ay tinanggal o ginawang hindi aktibo. RNT