Barangay sa QC hinati sa 3; naisabatas nang walang pirma ni Digong

June 29, 2022 @9:30 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Nag-lapse into law o naisabatas nang walang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang naghahati sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City sa tatlong independiyenteng barangay.
Nakasaad sa Republic Act No. (RA) 11803 na ang Barangay Pasong Putik ay hahatiin sa tatlong barangay: Barangay Pasong Putik Proper, Barangay Greater Lagro, at Barangay North Fairview.
Ang Barangay Pasong Putik Proper ay boundary sa hilaga ng Caloocan City at Quezon City boundary; sa silangan ay hangganan ng Belfast Street, Caloocan City at Quezon City; sa kanluran ng hangganan ng Kaligayahan/New Haven at Teresa Heights; at sa timog ng Quirino Highway, Mindanao Avenue.
Ang Barangay Greater Lagro ay nasa hilaga ng Quirino Highway; sa silangan sa tabi ng MWSS Reservoir; sa kanluran ng Belfast Street, Mindanao Avenue, Barangay Sta. Monica at Barangay Pasong Putik Boundary; at sa timog sa tabi ng isang sapa, D.B.T. Marbay/Lagro Subdivision boundary.
Ang Barangay North Fairview ay hangganan sa hilaga ng D.B.T. Marbay/Lagro Subdivision Boundary; sa silangan ng Lagro Subdivision, Tullahan Creek; sa kanluran ng Barangay Sta. Monica at North Fairview Subdivision boundary; at sa timog ng Barangay Fairview at Tullahan Creek.
Sa ilalim ng batas, ang plebisito na isinagawa at pinangangasiwaan ng Commission on Elections ay magsisilbing substantial compliance sa plebiscite requirement sa ilalim ng Section 10 ng RA No. 7160 o kilala bilang Local Government Code of 1991.
Ang mga nanunungkulan na opisyal ng barangay ng Barangay Pasong Putik Proper, Greater Lagro, at North Fairview ay magpapatuloy sa panunungkulan hanggang sa panahong mahalal at kwalipikado ang kanilang mga kahalili.
Samantala, isa pang panukala na nagpapalit ng pangalan sa munisipalidad ng Rodriguez sa Lalawigan ng Rizal bilang Munisipalidad ng Montalban ay naisabatas din nang walang pirma ng Pangulo.
Nakapaloob sa RA No. 11812, ang pagpapawalang-bisa sa Batas Pambansa Blg. 275, na pinamagatang “An Act Changing the Name of the Municipality of Montalban, Province of Rizal, to the Municipality of Rodriguez”, ay naging batas noong Hunyo 2 nang walang pirma ng Pangulo.
“The renaming of the Municipality of Rodriguez as Municipality of Montalban shall be effective upon ratification of the majority of votes cast by qualified voters in a plebiscite to be conducted and supervised by the Commission on Elections in the present Municipality of Rodriguez,” saad sa RA No. 11812, na sumasalungat sa Batas Pambansa Blg. 275.
Ang mga gastusin para sa plebisito ay sasagutin ng Munisipyo ng Rodriguez. RNT
P85M puslit na karne naharang ng BOC

June 29, 2022 @9:15 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P85 milyon halaga ng mga iligal na karne ng baboy at iba pang poultry products sa isinagawang operasyon sa Manila International Container Port (MICP).
Nabatid kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, nahaharap sa patung-patong na smuggling case at iba pang paglabag ang consignee na Jeroce Consumer Goods Trading at ang broker na si Gilber Gucilatar Lopez dahil sa limang misdeclared na mga kargamento na dumating nitong Hunyo 15.
Sinaksihan ng BOC ang isinagawang 100 percent examination sa limang 40-foot containers nitong Lunes sa MICP kung saan nadiskubre ang mga ismagel na karne at iba pang poultry products.
“The shipments underwent 100 percent examination and were found to contain frozen chicken thigh, frozen chicken breast, frozen chicken skinless breast, frozen chicken peeled breast, and frozen pork rectum with an estimated value of PHP85 million,” saad ng BOC.
Dahil dito agad na inisyuhan ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales ng Warrant of Seizure and Detention ang mga nasabing kargamento.
Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Sections 117 (regulated importation and exportation) at 1400 (misdeclaration) na may kaugnayan sa Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng Customs Modernization and Tariff Act. Jay Reyes
Pagsasara ng Rappler inutos ng SEC – Ressa

June 29, 2022 @9:02 AM
Views:
24
DEVELOPING STORY — Pinagtibay ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang naunang desisyon na isara ang online news organization na Rappler, inihayag ng CEO nitong si Maria Ressa Miyerkules ng umaga sa isang international media conference sa Hawaii.
Sa East-West Center international media conference, ibinahagi ni Ressa ang SEC ruling na may petsang Martes, Hunyo 28, na nag-uutos na kanselahin ang certificates of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corporation.
Breaking News❗️:@mariaressa announces the Securities and Exchange Commission affirmed its earlier decision to revoke the certificates of incorporation of Rappler Inc & Rappler Holdings Corporation.#EWCMedia pic.twitter.com/EgnKRYY5c2
— EWC Seminars (@EWCSeminars) June 28, 2022
“We were notified by our lawyers of this ruling that effectively confirmed the shutdown of Rappler,” ani Ressa.
Hindi pa naman nailalabas sa publiko ang nasabing kopya ng desisyon ng SEC.
Sinabi ni Ressa na iaapela ng Rappler ang desisyon “especially since the proceedings were highly irregular.” at “business as usual” pa rin ang news organization.
Una nang iniutos ng SEC ang pagpapawalang-bisa sa lisensya ng Rappler para makapag-operate noong 2018.
Sa isang 29-pahinang desisyon, sinabi nito na ang online media outfit ay “liable for violating the constitutional and statutory Foreign Equity Restrictions in Mass Media enforceable through rules and laws within the mandate of the Commission.”
Nang maglaon, hiniling ng Rappler sa Court of Appeals na ipawalang-bisa ang desisyon, at sinabing nilabag ang karapatan nito sa due process nang inilabas ang kautusan nang walang pormal na kaso. RNT
BOC chief, intel director pumalag sa pagkakasangkot sa ‘agri smuggling’

June 29, 2022 @8:48 AM
Views:
15
MANILA, Philippines – Tahasang itinanggi ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y pagkakasangkot nila sa agricultural smuggling sa bansa.
Sa pahayag ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, itinanggi nito ang akusasyon sa pagkakasangkot nito sa agricultural smuggling na ibinatay sa “validated list” na kung saan umano ay una nang itinanggi ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas ang paglabas o pagsumite ng anumang Intelligence Report hinggil sa umano’y sangkot na mga opisyal ng BOC sa anumang smuggling activity.
Ang pahayag ni Guerrero ay matapos siyang pangalanan at ilang iba pang opisyal ng kawanihan bilang mga protektor at smuggler ng mga produktong agrikultura sa ulat ng Senate Committee of the Whole nitong Lunes.
Sinabi din ni Guerrero na ang hindi mabilang na accomplishment ng BOC sa kampanya nito laban sa agricultural smuggling ay binanggit ng Senado sa ulat nito.
“Among these recommendations we implemented are the strengthened inter-agency collaboration and data exchange of relevant information and documents such as the Inward Foreign Manifest, among others,” ani Guerrero.
Giit pa ni Guerrero, pinayagan nila ang mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) na makibahagi sa non-intrusive inspection ng mga container para matiyak ang ganap na “transparency” sa pagsusuri sa mga produktong pang-agrikultura.
“The BOC also offered DA to deputize its personnel for enforcement operations. We allocated more resources to enforcement assets through the procurement of 200 body-worn cameras, 20 units of fast patrol vessels, 60 advanced mobile X-ray machines, 16 Trace Detection Systems, and 100 rifles. Further, 199 new enforcement personnel were hired, and 40 were promoted in 2018,” ani Guerrero.
“In addition, 82 percent or 139 out of the 170 Customs processes are now automated to reduce human intervention that provides an avenue for negotiation. Continuous trainings are also conducted for our intelligence and enforcement agents in relation to technical capabilities in determining quality, description, and types of agricultural commodities,” dagdag pa ni Guerrero.
Dahil aniya sa kampanya ng BOC, nasa kabuuang P2.5 bilyon halaga ng smuggled na produktong agrikultura sa iba’t ibang daungan sa buong bansa mula 2016 hanggang Mayo 2022 ang kanilang nasamsam habang nasa kabuuang 111 na kasong kriminal ang naihain sa Department of Justice laban sa mga unscrupulous stakeholders. Gayundin, 84 na importer at customs broker na sangkot sa agricultural smuggling ang binawi sa kanilang akreditasyon noong 2019.
Samantala, itinanggi rin ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) director Jeoffrey Tacio ang mga paratang.
Iniulat din nito na mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, may kabuuang 548 na seizure operations laban sa mga produktong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng PHP2 bilyon, ang naitala ng BOC.
Bukod kina Guerrero at Tacio, ang iba pang opisyal ng BOC na tinukoy sa listahan ay sina Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro; Deputy Commissioner Vener Baquiran ng Customs Revenue Collection Monitoring Group at abogadong si Yasser Abbas ng Customs Import and Assessment Service. Jay Reyes
P30B offshore patrol vessel deal tinintahan ng DND, SoKor firm

June 29, 2022 @8:34 AM
Views:
19