P750 minimun wage, delikado sa ekonomiya ng bansa – Sec. Lopez

P750 minimun wage, delikado sa ekonomiya ng bansa – Sec. Lopez

June 20, 2018 @ 5:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Delikado  sa ekonomiya ng bansa ang hinihiling ng mga grupo ng mga manggagawa na P750 pesos minimum wage dahil sa negatibo ang magiging epekto nito sa mga negosyo at mga presyo ng bilihin sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, kung magkakaroon man ng karagdagang sweldo, dapat ay sa tamang halaga lamang na hindi maaapektuhan ang ekonomiya.

Tanging minimal adjustment lamang aniya sa sweldo ang maaring maipatupad na iba-base sa naging inflation rate sa ibat-ibang rehiyon sa bansa dulot ng TRAIN law.

Nasa Regional Tripartite Wages and Productivity Board pa rin naman aniya ang pinal na kung magkano ang idadagdag na sweldo ng mga mangagawa.

“Medyo dangerous po ‘yon but I guess just to address certain considerations pinag-uusapan naman po iyan sa mga regional tripartite wage boards. But, I would say medyo delikado po ‘iyon. Let them handle the wage increases,” ayon kay Sec. Lopez. (Kris Jose)