P750 nationwide daily wage hike sa pribadong sektor, inihihirit

P750 nationwide daily wage hike sa pribadong sektor, inihihirit

March 13, 2023 @ 3:49 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinanukala sa House of Representatives ang P750 daily wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Ito ay sa ilalim ng inihaing House Bill 7568 ng Makabayan bloc lawmakers na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Representative Raoul Manuel, na sasakupin ang agricultural at non-agricultural enterprises sa pribadong sektor ā€œto attain a living wage.ā€

Ani Brosas, katanggap-tanggap ang nasabing halaga dahil sinasalamin din nito ang kasalukuyang gap sa kasalukuyang minimum wage levels at family living wage sa mga rehiyon.

ā€œThis yawning average minimum wage-family living wage gap of P750 across regions starkly represents the vast sea of unfulfilled basic necessities of ordinary Filipino families, which the national government should urgently address through substantial wage increases amid historic inflationary surges,ā€ pahayag ni Brosas.

Binanggit din ng mga may-akda ang ulat ng BusinessWorld Top 1000 Corporations in the Philippines, na nagpapakitang tumalon ng 17.5% noong 2021 o P13.44 trilyon ang kita ng mga kompanyang ito, mula sa P11.44 trilyon na naitala sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

“Tumataas ang tubo ng mga kumpanya tapos may savings pa sa mas mababang buwis sa ilalim ng CREATE Law, ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa,”dagdag pa ni Brosas.

Para naman sa micro at small enterprises, sinabi ni Brosas na ipatutupad ang wage subsidy program upang matulungan silang makatugon sa panukala.

Nanawagan naman si Brosas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang House Bill 7568 upang makatuling sa milyon-milyong naghihikahos na mga manggagawang Filipino sa bansa.

“Significant wage increase is long overdue. Imbis na Charter Change ang atupagin ng gobyerno, dapat nitong gawing prayoridad ang umento sa sahod upang makapagbigay alwan sa tumitinding krisis sa ating bansa,” aniya. RNT/JGC