P75B coco levy trust fund para sa CFIDP aprub na ni PRRD

P75B coco levy trust fund para sa CFIDP aprub na ni PRRD

June 8, 2022 @ 7:22 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nag-aapruba sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) para sa industriya ng pagniniyog sa bansa.

Nakapaloob sa EO 172 ang paglalabas ng P75-billion coco levy trust fund para sa mga coconut farmers.

Sa ilalim nito, dapat na maipatupad ang CFIDP ng Philippine Coconut Authority (PCA) alinsunod sa Republic Act No. 11524  o ang Coconut Farmers ans Industry Trust Fund Act na isinabatas noong Pebrero 2021.

Samantala, ayon sa pangulo, layo ng pag-apruba sa CFIDP na mapataas ang pagkalahatang productivity at kita ng mga magniniyog, maresolba ang kahirapan at maabot ang kambal nitong layunin na mai-rebalitate at ma-modernize ang coconut industry.

Welcome naman para kay Agriculture Secretary William Dar ang paglagda ng pangulo sa EO 172.

“The issuance of EO 172, which approves the CFIDP, is yet another manifestation of the Duterte Administration’s commitment to uplift our farmers and foster a competitive Philippine agriculture,” saad ng kalihim.

Samantala, matapos maisabatas, P10 bilyon ang dapat na ibigay sa trust fund habang narito ang schedule sa paglalabas ng pondo para sa mga susunod na mga taon:

  •     P10 billion, second year

  •     P15 billion, third year

  •     P15 billion, fourth year

  •     P25 billion, fifth year, and any amount accruing, including interest

Samantala, ang CFIDP ang magpapatupad naman ng mga programa para sa social protection ng mga coconut farmers, farm workers at kanilang mga pamilya; farmers’ organization and development; innovative research projects at practical application ng mga ito; community-based enterprises; at integrated processing ng coconut at downstream products.

“After more than four decades of waiting, the law for the management and utilization of the coco levy fund that was enacted last year will now be finally implemented in fulfillment of President Duterte’s campaign promise to our coconut farmers. As the Duterte administration comes to a close, this shall be the lasting legacy of the President in improving the lives and the livelihood of our dear coconut farmers,” saad ni PCA administrator Benjamin Madrigal Jr.

Ayon sa PCA, mula 2014 hanggang 2018, umabot sa P91.4 bilion ang average na export revenue mula sa coconut products.

Habang noong 2019, mahigit $1 billion ang naiambag ng coconut sector sa export revenues.

Ang niyog, particular ang coconut oil, ay isa mga top agricultural export commodities noong 2019 dahilan para itanghal ang Pilipinas na number one exporter ng nasabing produkto sa buong mundo. RNT/ JCM