Tondo, Manila – Nakumpiska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang nasa P760,000 halaga ng shabu sa limang hinihinalang drug personalities na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Manila.
Kinilala ni NPD director Police Chief Supt. Gregorio Lim ang mga naarestong suspek na sina Charlie Alvear, 34, kanyang pakatid na si Jessie, 27, Allan Silva, 42, Maffie Rose Marquez, 28 at Richard Morales, 40, pawang mga residente ng Tondo, Manila.

REMATE FILE PHOTO | JOJO RABULAN
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Almart Cruz, dakong alas-2 ng madaling araw nang ikasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PSI Cecilio Tomas ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa 2184 Isabello Delos Reyes, Tondo Manila sa koordinasyon sa Manila Police Distirct (MPD).
Agad inaresto ang mga suspek matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isa sa operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng P2000 marked money.
Narekober ng mga operatiba sa mga naarestong suspek ang 152 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P760,000 street value ang halaga at buy-bust money. (Rene Manahan)