P76M badyet ng OMB, ibinitin; hepe kinuwestiyon sa zero case vs violators

P76M badyet ng OMB, ibinitin; hepe kinuwestiyon sa zero case vs violators

October 19, 2022 @ 4:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang nabitin ang deliberasyon ng P76 milyong badyet ng Optical Media Board (OMB) matapos kuwestiyunin ang hepe nito sa kawalan ng kasong naisampa laban sa mga violators ng batas.

Sa ginanap na deliberasyon Senate finance subcommittee nitong Martes, Oktubre 18 kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang performan ng hepe ng ahensiya matapos matuklasan na zero case na records nito.

Ayon kay Estrada, walang kahit isang administrative case ang naisampa laban sa lumabag sa Optical Media Act f 2003m o RA 9239 simula nang manungkulan si Jeremy Marquez bilang hepe ng OMB.

Itinalaga si Marquez noong October 2021 ni dating Pangulong Duterte.

Humihingi ng OMB ng P75.858 milyong badye para sa 2023 na mas mababa sa P76.9 milyon nitong 2022.

“During your time, there were zero administrative cases filed against violators of RA 9239 (Optical Media Act) from November 2021 when you took over until about July this year 2022. In contrast, the OMB was averaging 200 administrative cases filed each month before you took over,” ayon kay Estrada.

Ayon kay Estrada, walang nalutas kahit isang kasong administratibo kumpara sa nakaraang taon na mayroong 1,000 kaso kada taon ang naaaksiyunan.

“Yung mga predecessors mo ang daming mga naresolved na admin cases, tapos ikaw wala? Ni-isa wala,” ayon kay Estrada.

Ikinatuwiran naman ni Marquez na gusto muna nyang linisin ang ahensiya bago ipatuapd ang intensibong pagpapatupad ng batas.

“Being appointed last year around October, we found that fit as the management of OMB to first see the actual status or kung ano ang nangyayari sa aming ahensya,” giit niya

“Unang una gusto ko makilala ang aming mga kasama and before I took oath and assumed for office siyempre nagbackground check na po ako sa aming ahensya and sad to say po sa mga channel were complaints are received, napakarami pong corruption complaints in terms of extortion ng aming agency,” dagdag ng opisyal.

Pinunan din ni Estrada ang kawalan ng kolekisiyon sa administrative penalties sa nakaraang taon na mas mataas kumpara sa zero collection sa ilalim ni Marquez.

Wala din umanong nakumpiskang counterfeit at illegal storage ng devices mula Nobyembre 2021 hanggang Agosto sa taong kasalukuyan.

“In fact, you recently ordered OMB agents to conduct seizure operations against violators of RA 9239 just so you can have something to report in the budget deliberations in both Houses of Congress. Are you being remiss in your job?” tanong ni Estrada kay Marquez.

“No, Mr. Chair. I came from a training and background na maging business friendly po,” tugon ni Marquez.

Sinabi ni Estrada na hindi dapat maging friendly si Marquez sa mga violators o hindi niya ito ipapahuhuli. Hiniling ni Estrada sa komite na ipagpaliban ang deliberasyon ng naturang badyet na inaprubahan naman. Ernie Reyes