P79.6M jackpot sa Ultralotto at P67.8M jackpot sa Superlotto sabay na napanalunan

P79.6M jackpot sa Ultralotto at P67.8M jackpot sa Superlotto sabay na napanalunan

March 21, 2022 @ 11:10 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Instant milyonaro ang dalawang mananaya ng palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) makaraang masolo ng dalawa ang jackpot prize ng Ultralotto 6/58 at Superlotto 6/49. sa katatapos na draw kagabi.

Sa kalatas ng ahensya, nabili ng maswerteng mananaya ng Ultralotto 6/58 ang kanyang ticket sa Lungsod ng Maynila na may kombinasyon na 29-05-03-11-08-42 at premyong P79,699,584.80.

Nasa 50 indibidwal naman ang mkakapag-uwi ng tig-P120,000.00 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Isang mananaya naman sa mula sa Bicol ang nakakuha ng jackpot prize ng Superlotto 6/48 na may premyong P67,803,235.40.

Ayon kay PCSO General Manager Royina M. Garma, nabili ng maswerteng mananaya ang kanyang tiket mula sa isang outlet sa Legaspi City, Albay na may kombinasyon na 09-04-17-12-02. Habang 76 ka-tao naman ang nakakuha ng lima sa anim na kombinasyon na makakapag-uwi ng tig-P50,000.00.

Hinimok naman ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid IDs at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja