P7M  pag-aagawan sa Pintakasi International Derby

P7M  pag-aagawan sa Pintakasi International Derby

August 30, 2022 @ 3:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – SA kumpirmadong kalahok na halos umabot na sa 100 simula Agosto 28, opisyal na inihayag ng Pintakasi International Derby co-hosts na sina Rolando “Ka Lando” Luzong at Nick Crisostomo na ang garantisadong gantimpala para sa makasaysayang sabong na Pintakasi International Derby Championship ay hindi bababa sa P7,000,000.

Ang entry fee ay nakatakda sa P33,000 lamang.

 “Kawili-wili…Handa akong sumali. Nasa tamang landas ang inyong programa para mapaganda ang sabong para sa ating lahat. Not too expensive,” komento ng respetadong beteranong rooster-raiser na si Enrique “Iking” Araneta ng sikat na San Benito entry.

Tinaguriang “The Bloodline Challenge”, ang 1st Roligon Pintakasi International Challenge 12-Cock International Gamefowl Breeders Derby ay nakatakdang itampok, hindi lamang ang mga pamosong lahi mula sa Pilipinas , kundi pati na rin ang pinakamahusay na gamefowl propagator mula sa mga bansang  premyado para sa mga malalakas na panlabang tandang.

Nakatakda mula Pebrero 18-28, 2023 sa Roligon Mega Cockpit, ang Pintakasi ay magkakaroon ng 3-cock eliminations sa Peb. 18, 20 & 21; 4-cock semis sa Peb. 22, 123 & 24; 5-cock pre-finals sa Peb. 25 at 27 at ang 5-cock championship sa Peb. 28.

Ang sumusuporta sa record-setting event na ito ay sina Kelly Everly (Kentucky, USA), Fil-Am Ely Andresio (Texas, USA), Bong Raig (California, USA), Jimmy Holland (Kentucky, USA), Ian de Guzman & Glen Vasquez – GV Scarlet (Chicago, Illinois, USA), Miguel Arizola (Peru), Byron Espiza (Ecaudor), VDM 68 – Vince, David & Marc (Vietnam), Gusko Adyana (Indonesia) at Chinh Piseth & The Cambodia Association of Gamefowl Preservation.

Sumusuporta rin sa Pintakasi International Derby ang Asociacion Mundial de Criadores de Gallos de Combate (AMCGE) o ang World Association of Fighting Cock Breeders, na kinakatawan ng Worldwide President nitong si Victor Manuel Negrete Castañeda ng Lima, Peru; AMCGE-USA Pres. Larry Esquivel ng California at AMCGE-Ecuador Pres. Felipe Chiriboga ng Quito, Ecuador.

Ang mga lokal at dayuhang kalahok at bisita sa Pintakasi ay nagkakaroon din ng pagkakataong dumalo sa 2023 International Gamefowl Festival at Hobby Expo sa SMX Convention Center sa Pasay City sa Peb. 17, 18 at 19, na nagtatampok ng pinakamalaki at pinakakapana-panabik na Gamefowl Show, Hobby Expo at Pet Convention sa bansa.JC