P7M shabu nasabat sa Rizal buy-bust

P7M shabu nasabat sa Rizal buy-bust

September 28, 2022 @ 4:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga tauhan ng San Mateo Police at Rizal Police Provincial Intelligence Unit ang aabot sa P7-milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Gulod Malaya, San Mateo, Rizal nitong Lunes, Setyembre 26.

Kinilala ang dalawang big-time drug personalities na sina Diadema Cielo Babasa alyas Kikay at Betty Cielo Babasa alyas Bet, kapwa residente ng naturang bayan.

Nakuha mula sa mga suspek ang walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng humigit-kumulang 1.026 kilo na may street value na P6,979,520.

Pinuri naman ni Police Regional Office 4-A director BGen. Jose Melencio Nartatez ang kapulisan sa pagkakalambat nila sa dalawang bigatin na suspek.

“I want to congratulate our operatives for a job well done. I am overwhelmed by this success. It only proves that we are on the right track in our campaign against illegal drugs,” ani Nartatez.

Nag-utos na ng mas malalimang imbestigasyon upang matukoy kung sino pa ang mga personalidad na nasa ilalim ng milyon-milyong halaga ng shabu sa Rizal. RNT/JGC