P8.1M halaga ng shabu nasabat sa Cebu

P8.1M halaga ng shabu nasabat sa Cebu

October 2, 2022 @ 4:48 PM 2 months ago


CEBU CITY, Philippines – Aabot sa mahigit P8-milyon ang halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa isang lalaki sa Cebu City.

Ikinasa ang buy-bust operation laban sa isang itinuturing na ‘high value individual’ na hindi pa pinangalanan, madaling araw ng Linggo, Oktubre 2.

Nakuha mula sa suspek ang halos isang kilo ng hinihinalang droga na mayroong estimated value na P8.1-milyong piso.

Paliwanag naman ng suspek, sideline niya lamang ang maghatid ng illegal na droga dahil kulang ang sahod niya bilang isang kusinero.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na matagal na palang minomonitor ng mga otoridad dahil sa malawak nitong koneksyon sa iba pang mga indibidwal sa pagbebenta ng droga. RNT/JGC