P8.5 M party drugs nakumpiska sa Las Piñas

P8.5 M party drugs nakumpiska sa Las Piñas

December 8, 2021 @ 1:53 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang babae makaraang tumanggap ng isang package na naglalaman ng 4,970 tabletas na nagkakahalaga ng P8.5 milyon sa ikinasang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang sangay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Southern Police District (SPD) at ng Las Piñas City police Martes ng hapon (Disyembre 7).

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ay nakilala ang arestadong suspect na si Ana Fe Morilla, a.k.a. Jonah Lleve y Cabanilla, residente ng Guava St., Brgy. CAA PH2, Las Piñas /city.

Base sa report na natanggap ni Macaraeg, matagumpay na naisagawa ang operasyon dakong alas 4:25 ng hapon sa Manila Doctor Village, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.

Ayon sa PDEA, nakatanggap ng sila ng impormasyon tungkol sa ipadadalang package sa suspect na naglalaman ng mga tabletas ng ecstacy.

Agad na ikinasa ang operasyon para sa pagsasagawa ng controlled delivery operation kung saan nagpanggap na delivery rider ang isang ahente ng PDEA at nang tanggapin ni Morilla ang package matapos nitong pumirma ng hindi niya tunay na pangalan ay doon na inaresto ang suspect.

Narekober sa posesyon ng suspect ang kanyang tinanggap na package na naglalaman ng 4,970 piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng P8.5 milyon, isang cellular phone at dalawang identification cards.

Dinala si Morilla sa opisina ng PDEA kung saan ito pansamantalang nakapiit habang inaayos ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspect sa Las Piñas City prosecutor’s office. James I. Catapusan/Dave Baluyot